Watadeiii.
5.20p ako naglog-out sa review center. Dumating ako sa bahay ng 10.15p. Laban ka??
Kamusta naman eh sa normal na araw, 1.5 hours lang yun. Kasama na traffic. Kainis.
Stranded. (Perstaym mo? OO. GRRRR
)
Umaambon kasi pag labas ko eh nung nakarating ako sa sakayan ng Ayala malapit sa Gil Puyat, napa-back out ako sa habaaaaa ng pila. Kaya bumalik ako at imbis na dumirecho papuntang SM, tumawid ako ulit at sumakay ng Baclaran via Gil Puyat.
Isang malaking pagkakamali!!!
5.40p sumakay ng bus sa Ayala
6.15p kakapasok lang ng Gil Puyat
8.15p asa tapat ng LRT Buendia
9:15p Baclaran.. sa wakas
Timo!!! Yung Ayala to LRT halos three hours! Eh sa normal na araw wala pang 30 minutes yun!! Shet. 
At dahil matiisin ang lola mo, nag-stay pa din sa bus at tenen!!! BAHA pala dun. OO. Dun sa may Gil Puyat/Leveriza/Pasay. Basta dun.
Linchak.
At hindi ko talaga tinangkang lumusong sa baha... hanggang tuhod eh. Wag na uy, hahayaan ko na lang umusok ang pwet ko sa upuan. Hmp.
At kung hindi pa masaklap yun, eto:
(1) Wala akong kasama.
(2) Gutom na ko.
(3) Masakit ang ulo dahil sa exam.
(4) May tawag ng kalikasan. (wahehe
)
(5) Blurry na paningin ko.
(6) Pagod na.
(7) Pag dating ng Baclaran, wala pa kong masakyan.
SHETNESS. 
Lesson:
Wag tamarin maglakad o pumila ng ubod ng haba papuntang SM...
Mas grabe ang aabutin.
Kaya hindi na ko dadaan sa Gil Puyat kahit ambon lang yan pramis!!! Hmp. 