Entry: Stranded. Thursday, July 31, 2008



Watadeiii.

5.20p ako naglog-out sa review center. Dumating ako sa bahay ng 10.15p. Laban ka??

Kamusta naman eh sa normal na araw, 1.5 hours lang yun. Kasama na traffic. Kainis.

Stranded. (Perstaym mo? OO. GRRRR Angry)

Umaambon kasi pag labas ko eh nung nakarating ako sa sakayan ng Ayala malapit sa Gil Puyat, napa-back out ako sa habaaaaa ng pila. Kaya bumalik ako at imbis na dumirecho papuntang SM, tumawid ako ulit at sumakay ng Baclaran via Gil Puyat.

Isang malaking pagkakamali!!!

5.40p    sumakay ng bus sa Ayala
6.15p    kakapasok lang ng Gil Puyat
8.15p    asa tapat ng LRT Buendia
9:15p    Baclaran.. sa wakas

Timo!!! Yung Ayala to LRT halos three hours! Eh sa normal na araw wala pang 30 minutes yun!! Shet. Angry

At dahil matiisin ang lola mo, nag-stay pa din sa bus at tenen!!! BAHA pala dun. OO. Dun sa may Gil Puyat/Leveriza/Pasay. Basta dun.

Linchak.

At hindi ko talaga tinangkang lumusong sa baha... hanggang tuhod eh. Wag na uy, hahayaan ko na lang umusok ang pwet ko sa upuan. Hmp.

At kung hindi pa masaklap yun, eto:
(1) Wala akong kasama.
(2) Gutom na ko.
(3) Masakit ang ulo dahil sa exam.
(4) May tawag ng kalikasan. (wahehe Tongue)
(5) Blurry na paningin ko.
(6) Pagod na.

(7) Pag dating ng Baclaran, wala pa kong masakyan.

SHETNESS. Angry

 

Lesson:
Wag tamarin maglakad o pumila ng ubod ng haba papuntang SM...
Mas grabe ang aabutin.

 

Kaya hindi na ko dadaan sa Gil Puyat kahit ambon lang yan pramis!!! Hmp. Hurmph


   2 comments

yasu
August 1, 2008   01:55 PM PDT
 
Nope Mae :D For NCLEX na ito. Hahaha
maenoodle
August 1, 2008   07:19 AM PDT
 
yan ba ung board exam na pang-november ba un?! aga mag-review ah.. mga ka-trabaho ko ngaun magre-resign pa lang kasi september daw sila start ng review. nice. goodluck!! RN. awz ^_^

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments